Home ENTERTAINMENT Alfred, ‘di inasahan ang best actor award!

Alfred, ‘di inasahan ang best actor award!

Manila, Philippines – Upon arrival at the 72th Famas awards nights nitong May 26, Linggo sa Manila Hotel ay sinabi na raw ni Alfred Vargas na uuwi siyang “luhaan.”

Nominado kasi ang QC Councilor sa Best Actor category para sa pelikulang Pieta na siya rin ang nagprodyus.

Tampok dito si Nora Aunor.

Napansin kasi ni Alfred na in attendance ang mga kapwa niya nominees, kaya malabong siya ang magwagi that night.

At ‘yun na nga, hindi inaasahan ng aktor-pulitiko na magta-tie sila ni Piolo Pascual.

Piolo won for his MMFF 2023 entry na Mallari na humamig din ng anim na karangalan sa Famas including the Best Supporting Actress para kay Gloria Diaz.

For Alfred, it was an unexpected win.

But humbly, a deserving one if only for his co-star, ang namayapang si Jaclyn Jose na itinuro ni Alfred bilang dahilan ng kanyang noteworthy performance.

Kuwento ni Alfred, nahirapan daw siya sa ilang blocking sa Pieta.

But it was the late actress na nagsabi sa kanya na huwag masyadong mag-focus sa blocking kundi sa pag-atake sa role expected of him.

Alfred attributes his acting award sa gabay na hindi aniya ipinagdamot ni Jaclyn.

Samantala, tinawag ni Ogie Diaz ang atensyon ng pamunuan ng Famas kaugnay ng umano’y pambabastos sa dapat sana’y presenter na si Eva Darren.

Tanong ni Ogie base sa kanyang nasagap na inside info, gaano katotoo na ipinanalo ng naturang award-giving body ang ilang personalidad na hindi naman deserving manalo, just because nag-sponsor ang mga ito?

Well, taun-taon naman ay laging may intriga sa Famas as in any other organization.

Mas matindi nga lang ang sa Filipino counterpart ng Oscars sa Hollywood. Ronnie Carrasco III