Home ENTERTAINMENT Cannes, tatlong beses tinabla ni Heart!

Cannes, tatlong beses tinabla ni Heart!

Manila, Philippines – Sumusuko rin pala si Heart Evangelista sa rampahan.

Yes, hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay hindi pinapalampas ng fashion icon ang mga weekly fashion events sa abroad.

Kumbaga, namimili rin daw siya ng aawrahan.

May netizen kasing nag-comment na Heart should start planning kung aattend siya ng Cannes Film Festival sa France.

Malinaw at on point ang sagot ni Heart.

Aniya: “I need to take care of my health and choose which events to prioritize!”

Ang Cannes filmfest ay nagsimula pa noong 1946 bilang tribute sa artistic achievements ng mga filmmakers all over the world.

Over the years, nagsilbing rampahan na rin ito ng mga fashionistang celebrities na kahit walang pelikulang kasali sa event ay naroon lang para rumampa.

Proof na tinabla nga ni Heart ang naturang event ay ang “resibo” o katibayan na inilabas ng mga netizens which was posted on social media.

Dahil yearly nga ang Cannes filmfest ay narito ang nakalkal ng mga maparaang netizens.

Taong 2021 nang unang tinabla ito ni Heart.

The following year–2022–nang umattend na si Heart.

At nang magkasunod na taon–2023 at present year–ay nag-decline uli siya sa pag-attend.

For the most part of Heart’s rampahan, mas visible siya sa pag-attend ng fashion week sa Milan sa Italy at Paris sa France.

Sa recent Cannes filmfest din hindi nakuhang siputin ni Nora Aunor ang classic screening ng pelikula niyang Bona.

Sayang dahil pareho sila ng direktor nitong si Lino Brocka na National Artist. Ronnie Carrasco III