Home ENTERTAINMENT Ai Ai, pumalag sa ‘no pets allowed’ policy ng coffee shop!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, pumalag sa ‘no pets allowed’ policy ng coffee shop!July 21, 2025 10:142210 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Walang artista, walang sele-celebrity.Hindi nakaligtas si Ai Ai de las Alas sa pinaiiral na patakarang ito ng isang sikat na coffee shop na pinuntahan niya kamakailan.Actually, it’s not the discrimination toward celebrities like her ang ipinagsisintir ng komedyana.Base sa kanyang Facebook post, sinadya raw niya ang isang branch nito.Once inside the coffee shop, umorder na ràw siya.Mga 20 hanggang 30 minutos na siyang nakaupo nang lapitan daw siya ng isang staff doon.Her attention was called dahil “no pets allowed” pala sa loob ng coffee shop.That time, kasama niya ang kanyang small service dog na si Sailor na nakalagay naman sa pet stroller.Gusto sanang sumunod ni Ai Ai sa naturang policy pero umuulan daw ng mga sandaling ‘yon.Inconvenient nga naman if she and her pet dog would grab a seat outside.In fairness, nauunawaan naman ng Comedy Queen ang “no pets allowed” policy.Ang pinalagan lang niya ay sana nama’y may malaking karatula that says so.‘Yun daw ay para sa kapakanan ng mga fur parents tulad niya, with the exception of service dogs.Para rin daw ‘yon sa staff para sa ikalilinaw ng mga kostumer na kallangang pakitunguhan nang may paggalang.Hindi naman binanggit ni Ai Ai kung tatangkilikin pa niya sa susunod ang coffee shop na ‘yon na allergic sa mga pet animals. Ronnie Carrasco III