Home METRO Number coding tuloy, Hulyo 21, sa kabila ng malakas na pag-ulan

Number coding tuloy, Hulyo 21, sa kabila ng malakas na pag-ulan

278
0

MANILA, Philippines — Nananatiling may bisa ang number coding scheme sa Metro Manila ngayong Lunes, Hulyo 21 sa kabila ng malakas na pag-ulan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa pagtugon sa tanong ng isang social media user sa opisyal nitong Facebook page, sinabi ng MMDA: “We still have number coding today. We will post updates on our social media platforms if there will be changes. Stay dry and keep safe!”

Ang number coding scheme ay ipinapatupad tuwing rush hours, mula 7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m.

Sa Lunes, ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa “1” at “2” ay hindi pinapayagan sa mga kalsada sa mga oras na ito.

Nasa ilalim na ngayon ng yellow rainfall warning ang Metro Manila, na nagpapataas ng posibilidad ng pagbaha sa mga pangunahing kalsada sa buong kabisera. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here