Tumugon na rin ang Philippine Air Force (PAF) 505th Search and Rescue sa nagpapatuloy na malawakang sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila upang tumulong sa mga residente o indibidwal na apektado.
Bukod dito, dinagdagan na rin ang fire boat ng Bureau of Fire Protection mula sa dalawa ay apat na ang tumutulong sa pagbomba ng tubig sa mga barong-barong habang dalawa na rin ang air asset o Tactical helicopter mula sa PAF 205th .
Nasa Task Force Charlie na sa ngayon ang sunog.
Sa ngayon, bukod sa PAF, Manila Disaster Risk Reduction, PRC ay katuwang na rin ng BFP sa pag-apula ng sunog ang Philippine Coast Guard (PCG).
Nagsimula ang sunog alas 8:02 Linggo ng umaga sa Purok 2 na ngayon ay halos maubos na ng malaking apoy ang buong Isla Puting Bato.
Dahil sa dami ng mga responde sa sunog, ang mga motorista ay pinayuhang humanap muna ng alternatibong ruta dahil ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)