Manila, Philippines- Parang it’s safe to say na unti-unti nang nagkakaroon ng forgiving heart si Ai Ai de las Alas.
After all, sa kanyang pag-amin sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa paghihiwalay nila ni Gerald Sibayan ay ito ang kanyang ipinapanalanging magkaroon.
A peaceful, joyful and forgiving heart.
Looking back din naman, sa loob ng sampung taong pagsasama nila, the Comedy Queen clarified: “Gerald was a good husband!”
At dahil nga wala siyang maipipintas kay Gerald kahit ito pa ang nakipagkalas sa kanya, Ai Ai still wants the best for him.
Aniya: “Sana ‘yung hindi ko naibigay sa iyo ay mahanap mo.”
Privy naman ang publiko kung ano ang bagay na hindi naibigay ni Ai Ai sa kanyang nakarelasyon–anak.
Despite that, the comedienne’s wish for Gerald is: “Sana maging healthy ang baby mo!”
Matatandaang naikuwento ni Ai Ai na tatlo ang ipina-freeze niyang itlog.
They resorted to IVF o in vitro fertilization.
Sa kasamaang palad, dalawa sa tatlong embryo na ‘yon ay namatay.
At ‘yun ang dumurog sa puso ni Gerald na asang-asa na magkakaroon sila ng anak.
Ai Ai assured na may natitira pa naman daw isang embryo, pero hindi na nga ito nahintay ni Gerald.
Madaling araw dito sa Pilipinas nang makipaghiwalay si Gerald kay Ai Ai sa pamamagitan ng Messenger. Ronnie Carrasco III