Home METRO Arat na sa Belenismo sa Tarlac

Arat na sa Belenismo sa Tarlac

ABOT sa anim napu’t dalawang (62) kalahok sa limang (5) kategorya ang sumali sa taunang festival na BELENISMO upang higit na pasiglahin ang kapaskuhan; 32 sa kanila ang nagkwalipika sa finals, na ang mga hurado ay ginawa ang pagpili ng mananalo araw ng Sabado.


Kabilang sa lineup ay 17 entry sa Community category , 13 sa Church category, 14 sa Monumental category, 6 sa Grand Non-Municipal category, at 12 sa Grand Municipal category na ang awarding ay sa November 30.

Ipinakikita ang kakaibang Belen creations na gumamit ng recyclable materials upang maging spectacular display ng registered participants mula sa mga sektor ng businesses, civic organizations, churches, private homes, at mga munisipyo.

Mula sa mapagmahal na mga puso at malikhaing kaisipan nina Isabel Conquangco -Founder, at kanyang anak na si Dra. Isa Suntay Co-Founder ng Tarlac Heritage Foundation Inc. nagawa nila ang pangmatagalang representation ng unity, creativity, at love sa pagpapatibay at pagkakasemento sa matatag na pundasyon ng reputasyon ng Tarlac na Belen Capital of the Philippines.

Sa simula ng kanilang pagkatatag ng Belenismo noong 2007 at accreditation ng Department of Tourism, patuloy na pinahahanga ng festival ang mga bisita sa extraordinary craftsmanship at artistic talent ng mga TarlaqueƱos.

Naging iconic symbol ng unity sa lalawigan ang naturang festival sa pamamagitan ng voluntary effort ng mga mamamayan ng Tarlac ; at kitang kita ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng religious at cultural significance ng Belen bilang tutuong emblem ng Pasko; Ang Belenismo ay proud member ng Federation EspaƱola de Belenistas.

(dave baluyot