MANILA, Philippines- Mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyaring “air incident” kamakailan sa Bajo de Masinloc.
Bukod pa rito, sinabi ng Pangulo na suportado niya ang matatapang na kalalakihan at kababaihan ng AFP, lalo na ng Philippine Air Force (PAF).
Ang aksyon ng People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) aircraft ay “unjustified, illegal at reckless” umano lalo na nang magsagawa ang PAF aircraft ng isang routine maritime security operation sa Philippine sovereign airspace.
“We have hardly started to calm the waters, and it is already worrying that there could be instability in our airspace,” ayon sa Pangulo.
Sa kabilang dako, nananatili namang committed ang Pilipinas sa tamang diplomasya at mapayapang paraan sa pagresolba ng alitan.
Gayunman, hinikayat ni Pangulong Marcos ang Tsina na ipakita na “it is fully capable of responsible action, both in the seas and in the skies.” Kris Jose