Home ENTERTAINMENT AJ, to the rescue kay Aljur, rumesbak kay Kylie!

AJ, to the rescue kay Aljur, rumesbak kay Kylie!

153
0

Manila, Philippines- Obyus namang si Aljur Abrenica ang pinatatamaan ni Kylie Padilla sa kanyang cryptic post.

May kinalaman ang post na ‘yon sa aniya’y mga katangian ng isang mahusay na pinuno.

Kylie’s post came after Aljur filed his CoC.

Tatakbo ang aktor bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga.

Base sa opinyon ni Kylie, ang mabuting leader daw ay responsable sa kanyang pamilya, it being the basic unit of society.

Dapat din daw ay palakihin ng isang true leader ang kanyang mga anak with good values, integridad at kababaang-loob.

Kailangan din daw itong loyal sa kanyang misis sa kabila ng mga balakid sa kanilang pagsasama.

If that was an obvious allusion to Aljur, obyus ding si Kylie ang pinatatamaan ni AJ Raval sa kanyang post sa Instagram.

Ani AJ: “No revenge!”

Dagdag niya: “I wish the best for you because you are God’s child too!”

Nag-post din si AJ ng verse sa Bibiliya hango sa Proverbs 16:9.

Saad ng verse, kung itinakda raw ng Panginoon ang isang bagay ay mangyayari’t mangyayari ‘yon.

Ngunit kung hindi naman daw, “God has a better plan for you!”

Kung tutuusin, hindi pa nga nakatulong ang cryptic post ni Kylie.

Dahil kasi doon ay “pinagtripan” ng ilang netizens ang kanyang ama, si Senator Robin Padilla.

May mga dumpensa naman sa aktor-pulitiko sa pagkakaroon ng maraming anak.

Never daw kasi nitong tumalikod sa kanyang responsibildad, kaya hindi hindi ito swak sa post ni Kylie.

Teka, the public thought okey na ang mga babaeng “noon” at “ngayon” ni Aljur.

Hindi ba’t nagpasalamat pa si Kylie kay AJ for taking care of her sons Alas and Axl? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here