Home NATIONWIDE Akbayan naglabas ng “itinerary” sa Sept 21 protest

Akbayan naglabas ng “itinerary” sa Sept 21 protest

317
0

MANILA, Philippines – Buong araw na protesta ang inilatag ng ibat ibang grupo para sa September 21 Protest Against Corruption na iginiit nitong magtatapos sa “peaceful dispersal”.

Ayon sa Akbayan alas 9:00 ng umaga ay isasagawa ang  Morning Protest sa People Power Monument (PPM).

Pangungunahan ito ng  Simbahan at Komunidad laban sa Katiwalian, Akbayan Party, Tindig Pilipinas, ML Partylist, Nagkaisa Labor Coalition, Kalipunan, Youth Against Kurakot (YAK), Akbayan Youth, Student Council Alliance of the Philippines (SCAP) at iba pang grupo.

Inaasahang 3,000 katao ang dadalo sa pagtitipon kung saan kabilang sa gagawing programa ay symbolic march, misa na pangungunahan ni  Fr. Flavie Villanueva, magkakaroon ng cultural performances at talumpati mula kina Akbayan Representatives Chel Diokno, Perci Cendaña, Dadah Kiram Ismulah, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao at iba pang  civil society at social movement leaders.

Alas 12:00 ng tanghqli ay magkakaroon ng simultaneous Mass gatherings.

Sa EDSA Shrine ay magsasagawa ng misa na dadaluhan ng mga Catholic Church contingent kasama ang grupong  SIKLAB, Akbayan Party,  trade unions,  Trillion Peso March at si Tindig Pilipinas spokesperson Kiko Aquino Dee.

Sa De La Salle University (Greenhills) ay kasama ang mga  DLSU students, alCatholic educational institutions at si Akbayan Rep. Chel Diokno.

Ala 1:30 ng hapon ay magmamartsa patungo sa  People Power Monument kasama dito ang mga du.alo sa misa at mga estudyante mula sa ibat ibang unibersidad kasama ang DLSU, UST at iba pa.

Susundan ito ng main event na ay Trillion Peso March kung saan magsasama sama na ang mga lumahok sa protesta.

Target ng Akbayan na matapos ang protesta ng ala 5:00 ng hapon at tiniyak ang maayos na dispersal. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here