SINABI ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na tinutulungan nito ang provincial chairperson ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) sa lalawigan ng Aklan na hinarass at pinagbantaan ng municipal employee ng Bayan ng Kalibo sa radio program ng huli.
Sa isang kalatas, sinabi ng PTFoMS na tinulungan nito si Apolonio “Apple” Zaraspe, station manager ng Energy FM Aklan at KBP provincial chair, sa pagsusulong ng reklamo laban kay Charie “Che” Indelible, isang meat inspector ng Kalibo, para sa grave threat at cyber libel.
Ang reklamo ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng ebalwasyon o pagsusuri ng Office of the City Prosecutor sa Maynila.
Sinabi ng PTFoMS na humingi ng tulong si Zaraspe sa task force laban sa “false and baseless allegations” ni Indelible laban sa kanya, kung saan kasama na rin dito ang “threats to his life” na nai- broadcast sa local program ni Indelible sa Todo Radyo at ibinahagi sa pamamagitan ng kanyang Facebook page.
Sinabi ni Undersecretary Paul Gutierrez, PTFoMS Executive Director, na pinipilit ng task force na maka-ugnayan si Indelible para makuha ang kanyang panig.
“However, no substantial explanation or comment was provided by Mr. Indelible. Consequently, the PTFoMS assisted Mr. Zaraspe in filing a formal case,” ayon kay Gutierrez.
“A threat assessment conducted by the Aklan Provincial Police Office on June 25, 2024 at the request of the task force confirmed that Zaraspe’s life is in immediate danger due to the nature of his business interests and that his family members are also at risk,” ayon sa PTFoMS.
Sinabi naman ni Kalibo Mayor Juris Sucro na binalaan na nito si Indelible para sa kanyang harassment kay Zaraspe subalit binigyang diin sa radio program ni Indelible na “were outside the scope of his official duties and do not affect his official role (as meat inspector) within the municipality.”
Samantala, sinabi naman ng KBP, sa pamamagitan ng Pangulo nito na si Noel Galvez, natuklasan na si Indelible ay illegal na nagbo-broadcast dahil expired na o paso’ na ang prangkisa ng ‘Radyo Todo.’
Dahil dito, nangako ang task force na ipagpapatuloy nito ang pagsubaybay sa developments ng kaso kasabay ng pagbibigay paala sa mga media workers na ang kanilang propesyon ay hindi nakapagbibigay sa mga ito ng “unbridled discretion to launch personal tirades and defame others.”
“Being a media practitioner comes with great responsibility, and it is never a shield against the law,”ayon kay Gutierrez. Kris Jose