Home NATIONWIDE Kamara pinagpapaliwanag ng SC sa PhilHealth petition ni Sen. Pimentel

Kamara pinagpapaliwanag ng SC sa PhilHealth petition ni Sen. Pimentel

Pinasasagot ng Supreme Court ang House of Representatives kaugnay sa petisyon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III at Philippine Medical Association bilang mga PhilHealth contributors.

Nais nila Pimentel na maglabas ang Korte ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para maharang ang paglilipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury.

Sa En Banc resolution, inatasan ng SC ang Kamara na sagutin ang petisyun nina Pimentel at ihain sa loob ng sampung araw.

“The Court required the respondents to file their Comment to the petition and prayer for TRO within a non-extendible period of 10 days from notice. The Court further required the Office of the Clerk of Court En Banc to personally serve the Court’s resolution on the respondents, which shall likewise personally file and serve its Comment.”

Una nang kinuwestyon sa Supreme Court ang ligalidad mg probisyon sa unprogrammed appropriations (UA) sa 2024 national budget at pag-tap ng PHP89.9 billion mula sa pondo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) funds.

Nakasaad sa petisyun na isang matinding kapinsalaan ito sa bawat pilipino ma umaasa sa PhilHealth tuwing nagkakasakit.
Kinakailangan anilang eklusibong magamit ngang pondo sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Act lalo pa at pahirap ng pahirap ang buhay.

Iginiit ng mga petitioner na ang probisyon sa 2024 General Appropriations Act (GAA) hinggil sa UA ay unconstitutional dahil lumalagpas na ito sa kapangyarihan ng Kongreso na maglaan ng pondo.

Ayon sa mga petitioner, ang paglihis ng pondo patungo sa unappropriated programs ng national budget ay mistulang ibinibigay ng Kongreso sa Executive branch ang diskresyo na magdesisyun kung paano gagastusim ang pondo na nakalaan partikular sa UHC Act. Teresa Tavares