Home METRO Aksidente sa kalsada tumaas ng 150% kumpara noong 2025

Aksidente sa kalsada tumaas ng 150% kumpara noong 2025

167
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) maaaring mas marami na ang nag-uulat ngayon ng mga aksidente sa kalsada kaya tumaas ang bilang ngayon taon kumpara noong parehong panahon noong 2025.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng 1,091 aksidente sa kalsada ngayong Semana Santa.

Ayon kay DOH spokesperson Albert Domingo, ang datos ay mula Marso 29 (Linggo ng Palaspas) hanggang Abril 2 (Huwebes Santo) mula sa 161 ospital sa buong bansa.

Ang bilang ay 150% na mas mataas kumpara sa 437 aksidente noong parehong panahon noong 2025.

Gayunpaman, sinabi ni Domingo na maaaring dahil mas aktibo ang mga ospital sa pag-uulat ng insidente.

Ayon kay Domingo, hindi ibig sabihin nito ay mas rumarami kundi baka ams nag-uulat yung mga ospital upang makita ang dapat iwasan.

Sa kabuuang bilang, ang Central Luzon ang may pinakamataas na insidente na may 196, sinundan ng Davao Region na may 161, at Ilocos Region na may 159. Karamihan sa mga aksidente ay sangkot ang mga lalaki (738), at ang madalas na apektadong edad ay 20 hanggang 24 taong gulang (167).

Malaking bilang ng mga biktima (944) ang walang suot na safety gear, sinundan ng mga motorcyclist (783), mga lasing (118), at mga pedestrian.

Sinabi ni Domingo na naka-standby ang mga ospital para sa anumang insidente kahit matapos ang Code White.

Ang Code White ay ipinatupad mula Marso 30 hanggang Abril 6, 2026, kung saan ang mga emergency team, health commodities, at emergency rooms ng DOH hospitals ay laging handa para tumugon sa aksidente, pinsala, at emergency. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here