Home HOME BANNER STORY Aktwal na paggunita sa Eid’l Adha, ngayong Linggo – NCMF

Aktwal na paggunita sa Eid’l Adha, ngayong Linggo – NCMF

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Commission on Muslim Filipinos nitong Sabado, Hunyo 15 na ang aktwal na paggunita sa Eid’l Adha ngayong taon ay ngayong Linggo, Hunyo 16, 2024.

Ayon sa komisyon, ito ay batay sa resulta ng moonsighting activities na isinagawa ng pamahalaan ng Kingdom of Saudi Arabia.

“Yummul Arafah falls on June 15, 2024 (Saturday) corresponding to 9th day of Dhul Hijjah 1445H. Hence, the observance of the 1445H Ei’dl Adha or Feast of Sacrifice will be the following day: 10th day of Dhul Hijjah 1445 Hijrah, corresponding to June 16, 2024 (Sunday),” saad sa pahayag ng komisyon.

Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang major Muslim holidays.

Sa kabila nito, sinabi ng NCMF na ikinokonsidera pa rin ang Hunyo 17, 2024 bilang regular national holiday batay sa Proclamation No. 579 ng Malakanyang. RNT/JGC