Home NATIONWIDE WPS resupply mission, nais lang harangin ng China – Tarriela

WPS resupply mission, nais lang harangin ng China – Tarriela

MANILA, Philippines – Iginiit ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nitong Sabado, Hunyo 22 ang posisyon ng Malakanyang sa pinakabagong panggigipit ng China laban sa Pilipinas sa Ayungin Shoal na ito ay hindi maikokonsidera bilang armed attack.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commodore Jay Tarriela, pansamantalang nagsisilbing spokesperson ng NTF-WPS, naniniwala siyang hindi layunin ng China na pataasin pa ang tension sa pinag-aagawang teritoryo at nais lamang na pigilan ang mga tropang Pinoy na makapasok sa lugar kung nasaan ang BRP Sierra Madre.

“Ang intensyon ng Philippine government is to do the resupply operation last Monday; ang objective ng China ay harangin ang resupply operation. That’s how simple we should look at the last incident,” sinabi ni Tarriela sa isang briefing.

“This is not an armed attack or a provocation for us to say na ang China ay talagang gusto pataasin ang tensyon dito. Basically, ito ay harangan lang.”

Bago rito ay nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa China “to act sincerely and responsibly, and refrain from behavior that puts to risk the safety of personnel and vessels.”

Sinita rin ng US at iba pang security partners ng Pilipinas ang mga aksyon ng China sa West Philippine Sea at tinawag na agresibo at mapanganib. RNT/JGC