Home NATIONWIDE Data breach sa isang multinational company, iniimbestigahan na

Data breach sa isang multinational company, iniimbestigahan na

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Jollibee Group ang iniulat na data breach na posibleng nagkompromiso sa milyon-milyong datos ng kanilang mga customer.

Sa pahayag, sinabi ng Jollibee na iniimbestigahan na nila ang insidente at sinabing ang kanilang e-commerce platforms ay gumagana pa rin.

“We have implemented response protocols in addition to enhanced security measures to further protect data against threats. Parallel to these efforts, we are working closely with relevant authorities and experts,” sinabi ng Jollibee Group.

Bukod sa flagship fast food chain nito, pagmamay-ari rin ng Jollibee Groups ang mga brand na Chowking, Greenwich, Coffee Bean & Tea Leaf, Mang Inasal, Burger King, Panda Express, Highlands Coffee, at Red Ribbon.

Siniguro ng kompanya sa mga customer nito na mas pinalalakas pa nito ang mga hakbang kontra sa cybersecurity threats.

“We would also like to encourage the public to be vigilant and exercise good information security practices, including keeping passwords secure and changing them often.”

Sa ilalim ng mga data breach, tumataas ang tsansa ng identity theft at scams.

Nauna nang sinabi ng cyber security group na Deep Web Konek na ibinibenta ng mga hacker ang impormasyon ng 32 milyong customer ng Jollibee sa mga forum sa halagang $40 million.

Ang pahayag ng Jollibee ay ilang araw lamang matapos na mapaulat naman ang data breach sa health maintenance organization na Maxicare.

Apektado sa naturang data breach ang nasa 13,000 miyembro nito, na nangyari sa pamamagitan ng isang third-party homeware provider.

“Compromised information may include those used for booking requests, but no sensitive medical information was exposed,” ayon sa Maxicare.

Noong weekend, nakompromiso rin ang Sistema ng Maritime Industry Authority. RNT/JGC