Home METRO Alamada, Cotabato nalubog sa baha

Alamada, Cotabato nalubog sa baha

73
0

COTABATO – Na-stranded ang mga residente ng Alamada, Cotabato sa loob ng 12 oras matapos bahain ang isang tulay dahil sa malalakas na pag-ulan nitong weekend sa ilang bahagi ng Mindanao at Metro Manila, ayon sa ulat.

Naging delikado ang pagdaan sa tulay dahil sa malakas na agos ng ilog at baha, kaya hindi agad nakatawid ang mga residente hanggang sa umaga ng Linggo nang humupa ang tubig.

Gayunman, may mga bahagi pa rin ng tulay na basa at mahirap daanan, kaya ang ilan ay kinailangang tulungan o buhatin upang makatawid nang ligtas.

Nasira rin ng baha ang mga taniman ng mais sa Alamada, na nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente.

Sa Kidapawan City, tumaas din ang tubig sa sapa kaya nagpalipas ng magdamag ang ilang residente dahil sa pangamba sa posibleng paglala ng baha.

Sa Davao City, hindi bababa sa 14 katao ang inilikas dahil sa pagbaha, habang nagulat naman ang mga residente ng Barangay Tandang Sora sa Governor Generoso, Davao Oriental sa malakas na agos ng ilog kahit walang ulan, na posibleng dulot umano ng malakas na pag-ulan sa mga kalapit na kabundukan ayon sa mga awtoridad. Isang aso rin ang muntik tangayin ng agos habang tumatawid sa ilog.

Naitala rin ang malalakas na pag-ulan sa Jolo, Sulu.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dulot ng thunderstorms, easterlies, at Intertropical Convergence Zone ang pag-ulan sa Mindanao nitong weekend. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here