Home HOME BANNER STORY Alamin: Iba’t ibang kilos-protesta ngayong Setyembre 21

Alamin: Iba’t ibang kilos-protesta ngayong Setyembre 21

412
0
filter: 0; fileterIntensity: 0.0; filterMask: 0; captureOrientation: 0; algolist: 0; multi-frame: 1; brp_mask:8; brp_del_th:0.0063,0.0000; brp_del_sen:0.1000,0.0000; motionR: 65537; delta:null; module: photo;hw-remosaic: false;touch: (-1.0, -1.0);sceneMode: 2621440;cct_value: 0;AI_Scene: (0, 0);aec_lux: 140.61252;aec_lux_index: 0;albedo: ;confidence: ;motionLevel: 0;weatherinfo: null;temperature: 35;

MANILA, Philippines – Matapos ang mga pagdinig sa Kongreso hinggil sa umano’y korapsyon sa flood control projects, magsasagawa ng malalaking protesta ang mga Pilipino ngayong Linggo, Setyembre 21, 2025.

Sa Metro Manila, magsisimula ang “Baha sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” sa Luneta alas-9 ng umaga, kasunod ang “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument alas-2 ng hapon na inaasahang dadaluhan ng 30,000 katao.

Isasagawa rin ng grupong Hakbang ng Maisug ang “Save the Philippines” rally sa Liwasang Bonifacio alas-1 ng hapon, habang magsasagawa ng kilos-protesta ang mga retiradong sundalo sa labas ng Camp Aguinaldo mula alas-7 ng umaga.

Sa labas ng Maynila, may mga protesta rin sa Cebu, Iloilo, at Davao City, kung saan magmamartsa ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para ipanawagan ang kanyang paglaya mula sa ICC detention.

Magpapatuloy ang regular na misa sa EDSA Shrine ngunit bawal ang pagsigaw ng mga islogan o kilos-protesta sa loob ng simbahan. Maghahandog ng libreng sakay ang transport group na Manibela, habang nakahanda rin ang MMDA para sa dagdag na tulong sa mga pasahero.

Nasa heightened alert ang mga awtoridad: nagpakalat ng 50,000 pulis ang PNP at nasa red alert ang AFP simula Setyembre 12. Naglabas naman ng babala ang US at Australia sa kanilang mamamayan na umiwas sa mga lugar ng protesta dahil posibleng magkaroon ng kaguluhan.

Nagpatupad ng flight restriction ang Civil Aviation Authority of the Philippines mula Setyembre 21 hanggang 22 sa Rizal Park at EDSA Shrine.

Ayon naman sa PAGASA, asahan ang malakas na ulan mula sa Bagyong Nando at Habagat na posibleng makaapekto sa mga lugar ng protesta. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here