MANILA, Philippines – Nagpatawag ng emergency meeting ang Office of Civil Defense (OCD) sa Quezon City nitong Sabado bilang paghahanda sa epekto ng Bagyong Nando, kasabay ng isang low-pressure area at Habagat.
Umabot na sa 111 pamilya o 380 katao ang inilikas mula sa Ilocos, Central Luzon, at Calabarzon.
“Typhoon Nando has intensified into a typhoon… we are prioritizing the safety of citizens while ensuring that essential supplies are distributed where they are most needed,” ayon kay OCD Administrator Usec. Harold Cabreros.
Itinaas na sa red alert ang status ng NDRRMC Operations Center.
Hinikayat ni Cabreros ang publiko na manatiling mapagbantay, habang pinaalalahanan ni OCD Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV ang mga LGU na palakasin ang information drive.
Naglabas na ng abiso ang DILG para sa preemptive evacuation at no-sailing policy, habang nagbabala ang DENR-MGB sa mining sector.
Mariing pinapayuhan ang publiko na manatili sa loob ng bahay at iwasan muna ang biyahe at outdoor activities hanggang bumuti ang panahon. Santi Celario