Home METRO Alamin: Ilang kalsada isasara sa INC rally sa Nov. 16–18

Alamin: Ilang kalsada isasara sa INC rally sa Nov. 16–18

314
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara ang ilang kalsada sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang tatlong araw na rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Rizal Park mula Nobyembre 16, Linggo, hanggang Nobyembre 18, Martes, para sa nananawagan ng transparency at accountability ng gobyerno.

Sa isang advisory noong Martes, sinabi ng Manila Police District (MPD) na ang mga sumusunod na kalsada at bahagi ng kalsada ay isasara mula Nob. 16 hanggang 18:

-Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo

-Northbound lane ng Roxas Boulevard mula President Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive

-Northbound at southbound ng Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive

-Katigbak Drive at South Drive

-Independence Road

-P. Burgos Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Taft Avenue

-Finance Road mula P. Burgos Avenue hanggang Taft Avenue

-Ma. Orosa Street mula P. Burgos Avenue hanggang Kalaw Avenue

-Kalaw Avenue mula Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard

-Roundtable (Palacio Street at Gen. Luna Street)

Idinagdag ng MPD na ang mga sumusunod na re-routing scheme ay ilalagay sa panahon ng rally:

-Ang mga sasakyang manggagaling sa McArthur, Jones, at Quezon Bridge na nagnanais gumamit ng southbound lane ng Roxas Boulevard ay dadaan sa P. Burgos Avenue diretso sa Taft Avenue

-Ang mga sasakyang galing sa Ma. Orosa Street ay kumanan sa United Nations Avenue hanggang Taft Avenue

-Ang mga sasakyang manggagaling sa A. Maibini Street ay kumanan sa United Nations Avenue hanggang Taft Avenue

-Ang mga sasakyang manggagaling sa United Nations Avenue na nagnanais gumamit ng Roxas Boulevard ay kumaliwa sa M.H. del Pilar Street

-Pinapayuhan din ang mga sasakyan na manggagaling sa Bonifacio Drive na umikot sa Anda Circle o gumamit ng A. Soriano Avenue

-Lahat ng sasakyang manggagaling sa Intramuros Area ay maaaring dumaan sa Magallanes Drive, pagkatapos ay kumanan sa P. Burgos Avenue

-Lahat ng trailer truck at mabibigat na sasakyan na magmumula sa Pasay area na gumagamit ng Roxas Boulevard northbound ay kumanan sa President Quirino Avenue, habang ang mga light vehicle ay maaaring gumamit ng Roxas Boulevard service road northbound

-Ang lahat ng trailer truck at mabibigat na sasakyan na magmumula sa Mel Lopez Boulevard (R-10) papuntang Roxas Boulevard ay kumaliwa sa Capulong Street, diretso sa Yuseco Street hanggang Lacson Avenue (Old truck route)

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na magde-deploy sila ng mahigit 15,000 opisyal para sa seguridad sa rally./ Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here