Home NATIONWIDE Alamin: Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa Nob. 26–29

Alamin: Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa Nob. 26–29

267
0

MANILA, Philippines – Sarado ang ilang kalsada sa Maynila mula Nobyembre 26 hanggang 29, 2025, para bigyang-daan ang isang fun run event.

Magpapatupad naman ng re-routing sa ilang pangunahing apektadong kalsada, kaya pinayuhan ang mga motorista na umiwas at dumaan sa mga itinakdang alternatibong ruta.

Magsasara ang Independence Road mula Nobyembre 26 hanggang 29, habang isasara rin ang Katigbak Drive at South Drive sa mga petsang nakatakda bago ang araw ng AIA Rock ’n’ Roll Manila fun run.

Magsasagawa rin ng malawakang pagsasara sa Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue, pati na sa mga kalsadang konektado rito kabilang ang Quirino Avenue, T.M. Kalaw Avenue, Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Ma. Orosa Street, Finance Road, at ilang bahagi ng Intramuros gaya ng Victoria, Real, Sta. Lucia, at Escolta.

Sa re-routing, ang mga sasakyang mula P. Burgos Avenue patungong Roxas Boulevard ay daraan sa Roundtable at Ma. Orosa Street. Ang malalaking truck mula Bonifacio Drive ay daraan sa P. Burgos Avenue, Finance Road, Ayala Boulevard, at San Marcelino Street.

Sa Nobyembre 28 hanggang 29, ididirekta ang mga motorista patungo sa MacArthur o Quezon Bridge kung galing sa Taft Avenue, habang ang mga sasakyan mula Kalaw Avenue ay idadaan sa M.H. Del Pilar Street.

Ang mga ruta mula Ma. Orosa, A. Mabini, U.N. Avenue, Quirino Avenue, Delpan Bridge, Ayala Boulevard, at Mel Lopez Boulevard ay may nakatalagang alternatibong direksiyon upang maibsan ang pagsisikip sa trapiko.

Pinapayuhan ang publiko na mag-planong mabuti at sundin ang traffic advisory mula sa Manila Traffic and Parking Bureau upang maiwasan ang abala sa mga darating na araw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here