MANILA, Philippines – Kanselado ang biyahe ng ilang barko sa maraming pantalan nitong Huwebes ng umaga dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Depression Ada. Inanunsyo ng Philippine Ports Authority ang mga apektadong biyahe hanggang alas-8 ng umaga:
Bicol
Baseport Legazpi – Rapu-Rapu, Albay at pabalik
Port of Castilla – Surigao
Bulan – Ticao Island, Masbate
Matnog – Samar
Eastern Leyte/Samar
Ibang Pantalan
Port of San Jose
Port of San Isidro
Port of Manguino-o
Port of Calbayog
Port of Catbalogan
Port Guiuan
Port of Borongan
Port of Liloan (Liloan Ferry Terminal)
Port of San Ricardo
Port of Sogod
Port of Saint Bernard
Port of San Juan
Port of Tacloban
Liloan Municipal Port
Western Leyte/Biliran
Port of Maasin – lahat ng biyahe papuntang Surigao
Padre Burgos – lahat ng biyahe papuntang Surigao
Port of Naval – lahat ng motorbancas
Surigao – lahat ng biyahe
Masbate
Kho Shipping Lines, Mobo, Masbate – Cebu City via Calbayog City at pabalik
Kho Shipping Lines, Masbate City – Pilar, Sorsogon at pabalik
Montenegro Shipping Lines (Fastcraft at RORO), Masbate City – Pilar, Sorsogon at pabalik
Inanunsyo rin ng PITX ang pagkansela ng ilang scheduled na biyahe ng bus as of 9 a.m.:
GOLDTRANS – 8:00 a.m., Oras, Leyte (kanselado ang sea travel dahil sa storm signal)
SILVER STAR – 10:00 a.m. at 11:00 a.m., Tacloban, Leyte (kanselado ang sea travel dahil sa storm signal)
Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa 11 lugar dahil bahagyang lumakas si TD Ada habang nasa Philippine Sea sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa 5 a.m. advisory ng PAGASA, ang sentro ni TD Ada ay tinatayang 385 km silangan-kanluran ng Hinatuan, Surigao del Sur, may maximum sustained winds na 55 km/h, gusts hanggang 70 km/h, patungo sa hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h, at may lakas ng hangin na umaabot hanggang 400 km mula sa sentro. Santi Celario