Home NATIONWIDE PBBM, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng Cebu Landfill Landslide

PBBM, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng Cebu Landfill Landslide

196
0

MANILA, Philippines – Nag-alay ng dasal si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong Huwebes para sa mga biktima ng nakamamatay na landslide sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, na naganap noong Enero 8.

Nasa Cebu si Marcos para sa seremonya ng delivery ng Hull No. SC443, isang 81,200-metric ton, dual-fuel methanol-powered KAMSARMAX bulk carrier sa Balamban.

“Before we start, let us take a moment of silence for the victims of the landfill incident in Barangay Binaliw, Cebu City, last January 8,” ani Marcos.

“As search and rescue operations continue, we offer our prayers for the souls of the departed and strength to their grieving families.”

Tiniyak niya na isinasagawa ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan, transparency, accountability, at tulong sa mga biktima at kanilang pamilya. Ipinagkakaloob ang burial support at iba pang anyo ng tulong. Umakyat na sa 20 ang bilang ng nasawi.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Fulbert Navarro mula sa Bureau of Fire Protection Special Rescue Force, mahirap ang rescue operation dahil sa maruming debris, na maaaring magdulot ng seryosong impeksyon kahit sa maliit na sugat.

Ayon sa paunang imbestigasyon, maaaring sanhi ng landslide ang pinagsamang epekto ng mga lindol at aftershocks noong Setyembre 2025, kasunod ang matinding ulan dala ng Tropical Cyclone Tino noong Nobyembre.

Sinabi ng mga awtoridad na regular ang inspeksyon sa mga landfill cell, at walang naitalang senyales ng kahinaan bago ang insidente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here