DAMULOG, Bukidnon — Naaresto ang isang 65-anyos na lalaki matapos umanong patayin ang kanyang asawa at anak sa Barangay Kiraon dahil sa isang manok, ayon sa pulisya Miyerkules.
Ayon sa PRO-10, naganap ang insidente Lunes ng gabi matapos kuwestyunin ng anak ang ama tungkol sa pagsali sa kanilang maliit na manok sa sabong.
Sa naging mainit na pagtatalo, sinaksak ng suspek ang kanyang anak sa tiyan gamit ang hunting knife. Ang asawa na sinubukang pigilan ito ay sinaksak din sa dibdib. Agad namatay ang babae habang namatay naman ang anak makalipas ang ilang oras.
Inamin ng suspek ang krimen at haharap sa kasong parricide. RNT