Home HOME BANNER STORY Alamin: Mga daang isasara sa NCR ‘gang Marso 11

Alamin: Mga daang isasara sa NCR ‘gang Marso 11

MANILA, Philippines – Ipinagbigay-alam ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes, Marso 8, ang iskedyul ng road reblocking at pagsasaayos na gagawin ng Department of Public Works and Highways sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa isang anunsyo, sinabi ng MMDA na isasara ang mga sumusunod na kalsada simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Marso 8 hanggang 5 a.m. sa Lunes, Marso 11:

– Pedro Gil Street corner Taft Ave. (2nd lane), Lungsod ng Maynila

– EDSA SB J.P. Rizal Avenue hanggang Orense (3rd lane mula sa bangketa), Makati City

– EDSA NB sa pagitan ng Don Vicente Ang Street hanggang General Mascardo Street (5th lane mula sa bangketa), Caloocan City

– Sa kahabaan ng Main Avenue EB sa tabi ng Shell Gasoline Station (1st lane), Quezon City

– Sa kahabaan ng Main Avenue EB sa tapat ng SM Supermarket (1st lane), Quezon City

– Sa kahabaan ng Main Avenue EB sa kabila ng Briella Salon (1st lane), Quezon City

– Sa kahabaan ng Main Avenue EB malapit sa Minabel Building (1st lane), Quezon City

Ang mga motoristang dumadaan sa mga kalsadang ito ngayong weekend ay pinapayuhan na dumaan sa mga alternatibong ruta. Santi Celario

Previous articleP106M bloke ng cocaine lumutang sa E. Samar
Next articleSaranggola bumalandra; helikopter nag-emergency landing