Home HOME BANNER STORY P106M bloke ng cocaine lumutang sa E. Samar

P106M bloke ng cocaine lumutang sa E. Samar

ARTECHE, Eastern Samar – Natagpuang palutang-lutang ng isang mangingisda ang hinihinalang bulto ng cocaine na nagkakahalaga ng P106 milyon sa dagat ng Barangay Tangbo dito nitong Biyernes, Marso 8.

Napag-alaman sa mga parak na tumimbang ang droga ng halos 25 kilo na nakabalot sa dalawang malalaking plastic bag na may markang ZZZ at nakalagay sa isang fish net.

Sinabi naman ni Mayor Roland Boie Evardone na nabigla ang 62-anyos nang makita ang bag na palutang-lutang sa dagat at inakala niya itong may laman na pera.

Nang bulatlatin niya ito ay tumambad ang mga bloke ng cocaine. Dati na rin umanong may nangyaring insidente na paglutang ng droga sa nasabing karagatan sa Arteche.

Sinabi ni Evardone na plano niyang magbigay ng pabuya sa mangingisda dahil sa kanyang katapatan.

Natanggap ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mga cocaine brick na ito na nakabalot sa  Santi Celario

Previous articleLotto bettors bokya sa P58M combined jackpots
Next articleAlamin: Mga daang isasara sa NCR ‘gang Marso 11