Home METRO ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng roadwork mula Agosto 16 ‘gang 19

ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng roadwork mula Agosto 16 ‘gang 19

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority ang isasagawang roadwork sa ilang Metro Manila thoroughfares para sa August 16-19 weekend.

Base sa abiso ng Department of Public Works and Highways nitong Biyernes, kasado ang road reblocking at repairs sa mga sumusunod ng lugar simula alas-11 ng Biyernes, Agosto 16:

  • Tandang Sora makalampas ng Culiat High School hanggang Allan Bean (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • EDSA SB makalampas ng West Avenue hanggang makalampas ng MRT North Avenue Station (2nd lane mula sa center), Quezon City

  • EDSA NB, MS North EDSA Annex hanggang Iglesia ni Cristo (4th lane mula sa center), Quezon City

  • EDSA NB, Quezon Avenue hanggang Philam Footbridge (3rd lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • EDSA SB Bansalangin Street hanggang West Avenue (3rd lane mula sa center), Quezon City

  • Mindanao Avenue makalampas ng Sauyo U-Turn (1st lane mula sa sidewalk), Quezon City

  • Commonwealth Avenue SB, Saint Peter Church (footbridge) hanggang Shopwise (3rd lane mula sa center), Quezon City

  • EDSA SB Lanutan hanggang Bansalangin (1st lane mula sa center), Quezon City

  • General San Miguel EB sa pagitan ng Bisig ng Kabataan hanggang A. Mabini Street (2nd lane mula sa sidewalk), Caloocan City

  • 1EDSA SB (2nd bus lane) makalampas ng Ayala Tunnel, Makati City

  • Tandang Sora Avenue, Sierra Pura Homes, Quezon City

  • Makalampas ng Roxas Boulevard SB EDSA Flyover (2nd lane), Parañaque City

Muling bubuksan ang mga kalsada ng alas-5 ng umaga sa Lunes, Agosto 19.

Pinapayuhan ang mga motoristang dumaan sa mga alternatibong ruta sa mga apektadong petsa. RNT/SA