MANILA, Philippines- Pinangalanan ang Pilipinas na “Best Diving Destination” at nakatanggap ng “Best Tourism Promotion Partnership” award sa Diving Resort Travel Show (DRT) Beijing 2024.
Isinagawa ang diving expo mula Agosto 1 hanggang 4, 2024 sa Beijing, China, base sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pinangunahan ng Office of the Philippine Department of Tourism in Beijing (PDOT-Beijing), ang pakikilahok ng bansa sa expo, ayon sa Foreign Affairs Department.
Nilalayon ng event na pabilisin ang development ng diving industry sa Asia Pacific at pairalin ang heightened awareness ng marine conservation.
Sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na nakapag-ambag ang dive tourism ng mahigit P73 bilyon sa Philippine economy noong 2023, doble sa kinita ng industriya noong 2022.
“With this, we are determined to project the Philippines as the ‘World’s Premier Dive Destination’,” wika ni FlorCruz.
Sinabi ng DFA na 12 dive shops, resorts, at liveaboards mula sa Pilipinas ang nakibahagi sa dive expo sa Beijing. RNT/SA