MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Department of Energy (DOE) Undersecretary Alexander Lopez bilang tagapagsalita ng National Maritime Council (NMC).
Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office nitong Biyernes.
Sinabi ng PCO na magsasalita si Lopez, dating military officer, para sa NMC pagdating sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS).
Nilikha ni Marcos ang NMC sa ilalim ng Executive Order No. 57 na nilalayong palakasin ang maritime security ng Pilipinas.
Nilalayon din nitong paigtingin ang maritime domain awareness ng mga Pilipino sa gitna ng agresibong aksyon ng China at mga banta sa rehiyon.
Bago ang kanyang appointment, nanungkulan si Lopez bilang DOE undersecretary mula 2018 hanggang 2022; consultant ng parehong ahensya mula 2017 hanggang 2018; at security consultant ng ABS-CBN Corp. mula 2016 hanggang 2018. RNT/SA