MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang araw ng mga puso, mapapansin na ang pagtaas ng presyo ng mga bulaklak sa Flower market o Dangwa sa Sampaloc, Maynila.
Kung ang isang bundok ng sunflower na may sampung piraso ay umaabot na mula P30K hanggang P5,000.00 depende sa disenyo.
Nagkakahalaga naman ng P150 kada piraso ang tulips gayundin ang ecuadorian roses.
Ang extra large na rosas na bouquet arrangement ay umaabot sa P1,350 ang dalawang dosena kumpara sa dating presyo na halos P1,000 lamang.
May kataasan pa rin ang presyo ng pillars, habang ang baby’s breath ay nasa P250 kada kilo.
Ang gypsum ay nagkakahalaga ng P350 kada bundle, gayundin ang bundle ng camomile na pareho rin ang presyo.
Gayundin, may mga kakaibang bouquet ng bulaklak na ibinebenta din dito tulad ng pang-manicure-pedicure, suklay, salamin, suka at portable fan na nasa P450 hanggang P600 ang isa.
Inaasahan namang may paggalaw pa sa presyo ng bulaklak sa Dangwa habang papalapit na ang Valentines Day sa Pebrero 14.
Mamayang hapon, magkakaroon naman ng Ribbon cutting sa Dangwa Flowerpark na pangungunahan ng Department of Toruism, Culture and Arts of Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden







