Home METRO Alamin: Saradong daan sa Maynila sa Women’s Month clean-up drive

Alamin: Saradong daan sa Maynila sa Women’s Month clean-up drive

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagsasara ng kalsada sa paligid ng city hall bago ang International Women’s Day clean-up drive ngayong Biyernes.

Ang mga sumusunod na kalsada ay isasara simula 6 a.m. ngayong araw, Marso 8:

-San Marcelino Street (mula Ayala Boulevard hanggang Natividad Lopez Street)
-Natividad Lopez Street
-Antonio Villegas Street (mula Freedom Park hanggang Arroceros Park)
-Cecilia Muñoz Palma Street

Ang mga kalsadang ito ay muling bubuksan pagkalipas ng 10 a.m. sa parehong araw. RNT

Previous articleVP Sara pinuputakte ng black propaganda
Next articlePanukala ni Recto na disposable vape ban suportado ng DOH