Home METRO Alamin: Traffic rerouting ikinasa sa Makati Abril 6-7

Alamin: Traffic rerouting ikinasa sa Makati Abril 6-7

MANILA, Philippines – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Makati na pansamantalang isasara sa mga motorista ang ilang kalsada sa lungod upang mabigyan ng daan ang selebrasyon ng ika-75 Jubilee diplomatic ties sa pagitan ng Pilipinas at ng bansang Thailand.

Kaugnay ng naturang selebrasyon ay magkakaroon ng traffic rerouting scheme para sa pagsasagawa ng street food festival na magaganap nitong Abril 6-7 (Sabado at Linggo).

Ayon sa lokal na pamahalaan, pansamantalang isasara sa mga motorista ang mga kalsada ng Rada Street mula Gamboa hanggang Dela Rosa Streets sa Barangay San Lorenzo na magsisimula ng alas 10:00 ng gabi ng Abril 5 hanggang 10:00 ng gabi ng Abril 7.

Sinabi ni Makati City Mayor Abigail ‘Abby’ Binay na ang naturang kaganapan ay magtatanghal ng iba’t-ibang uri ng pagkain mula sa Pilipinas at Thailand pati na rin ang pagsasagawa ng vibrant cultural performances na magpapakita ng mainit na samahan na sumisimbulo ng malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Kasabay nito ay pinayuhan na rin ni Binay ang mga maaapektuhang motorista na humanap ng alternate route para sa matiwasay na pagdating sa kani-kanilang destinasyon na patutunguhan. (James I. Catapusan)

Previous articleOspital sa Valenzuela iniimbestigahan sa illegal detention
Next articleBayan sa Isabela idineklarang insurgency free na