Home METRO Bayan sa Isabela idineklarang insurgency free na

Bayan sa Isabela idineklarang insurgency free na

ANGADANAN, Isabela – Tuluyan ng idineklarang insurgency free dahil sa wala ng presensiya ng mga teroristang grupo o New Peoples Army o NPA ang bayan ng Angadanan, Isabela.

Ganap ng malaya sa kamay ng mga mapang-api at mapanglilinlang na grupo ng mga terorista ang nasabing bayan.

Ayon kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naging payapa na ang lugar at walang naitalang anumang aktibidad ng makaliwang grupo.

Kung saan ay lubos na nakatulong ang patuloy na pagsasagawa ng mga kapulisan ng Angadanan Police Station sa pamumuno ni PMaj. Rassel Tuliao, hepe ng nasabing himpilan ng pulisya  bilang pagtalima sa isinasagawang mga aktibidad na sumusuporta sa Executive No. 70 o NTF-ELCAC o usaping pangkapayapaan ang pamahalaan.

Samantala, pinangunahan naman ni PLtCol. Sherwin Cuntapay, DPDO IPPO, PLtCol. Avelino Canceran, Force Commander 2nd IPMFC, at PMaj. Tuliao hepe ng nasabing himpilan ng pulisya kasama ang Philippine Army sa pangunguna ni Col. Davice Christopher G. Mercado, Deputy Commander 502nd Infantry BDE, 5ID, PA,  Jack Espiritu, Asst. Regional Director for CI, NICA2 at LGU Angadanan sa pangunguna ni Mayor Joelle Mathea Panganiban.

Samantala, sa pagdeklara ng insurgency free ay patunay na ang bawat Isabeliños ay tumatalima sa mga adhikain at program ng gobyerno upang tuluyan ng mawakasan ang insurhensiya at manaig ang kapayaan sa lalawigan. Rey Velasco

Previous articleAlamin: Traffic rerouting ikinasa sa Makati Abril 6-7
Next articleUtang ng Pinas lumobo sa P15.18 Trilyon nitong Pebrero 2024