Home HOME BANNER STORY Utang ng Pinas lumobo sa P15.18 Trilyon nitong Pebrero 2024

Utang ng Pinas lumobo sa P15.18 Trilyon nitong Pebrero 2024

MANILA, Philippines – TUMAAS ang national debt ng Pilipinas sa P15.18 trillion sa pagtatapos ng Pebrero.

Sinabi ng Bureau of Treasury na P388.51 billion ang itinaas nito kumpara sa kabuuang ng pagtatapos ng Enero at P562.43 billion ang itinaas kumpara sa pagtatapos ng Disyembre 2023.

Mas mataas din ito ng P1.426 trillion kumpara sa Pebrero ng nakaraang taon.

Sinabi ng Treasury na ang month-on-month increase ay dahil sa domestic borrowing, subalit ito aniya ay partly tempered” ng appreciation o apresyasyon ng halaga ng foreign debt ng bansa.

“The stronger peso trimmed the Philippines’ foreign debt by P26 billion in February, while also cutting P660 million from the value of the country’s domestic debt through a revaluation of the foreign currency-denominated domestic best,” ayon sa Treasury.

“Foreign debt accounted for 30.32 percent of the total while domestic debt made up the remaining 69.68 percent,” ayon pa rin sa Treasury.

Napaulat na humiram ang gobyerno ng P708.74 billion noong Pebrero kabilang na ang sa pamamagitan ng pagpapalabas ng P584.86 billion sa 5-year retail treasury bonds.

Humiram ng malaking halaga ang gobyerno sa panahon ng kasagsagan ng COVID-19 pandemic para pondohan ang ‘pandemic response’ ng bansa.

Mayroon din itong nahiram na malaking halaga para pondohan ng “ambitious” infrastructure drive nito.

Noong nakaraang taon, binalaan ng congressional think tank ang mabilis na paglaki ng ‘debt burden’ ng Pilipinas kaysa sa tumataas na national budget.

“While the national government’s expenditure program has been steadily going up, the rate of its increase is much slower than the growth of the debt burden since 2021,” ayon naman sa Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD).

Samantala, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagpahayag na nababahala ang gobyerno ng Pilipinas sa utang ng bansa kahit pa ang Pilipinas ay “doing better than its neighbors.” Kris Jose

Previous articleBayan sa Isabela idineklarang insurgency free na
Next articleDOST na-hack!