Home NATIONWIDE DOST na-hack!

DOST na-hack!

MANILA, Philippines – Nakaapekto sa dalawang terabytes ng data ng Department of Science and Technology (DOST) ang cyberattack, sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Miyerkules.

Sinabi ni DICT spokesperson Aboy Paraiso na nakikipagtulungan na ngayon ang ahensya sa DOST para mabawi ang nawalang data mula sa system.

Ayon kay Paraiso, na-detect nila ang pag-atake at agad namang nakipag-ugnayan ang DOST sa DICT para humingi ng tulong at nakumpirang nasa dalawang terabytes ang naapektuhan.

Patuloy pa rin aniyang sinusuri kung anong data ang naapektuhan, ngunit nagpahayag si Paraiso ng pagkabahala na maaring makompromiso ang impormasyon sa pananaliksik pati na rin ang personal na impormasyon ng mga empleyado at siyentipiko.

Sinabi ni Paraiso na ang DOST ay repository ng maraming data kaya kinukumpirma pa kung may mga pribadong data na nakuha lalong-lalo na ang profile ng mga kawani. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleUtang ng Pinas lumobo sa P15.18 Trilyon nitong Pebrero 2024
Next articleTaiwan quake wa epek sa active fault lines sa Pinas – Phivolcs