Home HOME BANNER STORY ALAMIN: Traffic rerouting para sa 49th ASEAN Summit

ALAMIN: Traffic rerouting para sa 49th ASEAN Summit

2
0

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mas mahigpit na traffic at security measures sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City para sa 49th ASEAN Summit and Related Summits sa Nobyembre 15 hanggang 17.

Ayon sa MMDA, katuwang nito ang ASEAN National Organizing Council (ASEAN-NOC) at iba pang ahensya sa pagpapatupad ng Security Exclusion Zones sa lugar.

Dalawang phase ang ipatutupad.

Sa Phase 1 o Controlled Access Period, mula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 8, papayagan pa rin ang pagpasok sa mga itinalagang lugar ngunit dadaan sa security screening at verification sa checkpoints.

Sa Phase 2 o Restricted Access Period, mula Nobyembre 9 hanggang 18, tanging mga awtorisadong sasakyan at personnel na may valid access credentials lamang ang papayagang makapasok sa ilang bahagi ng lugar.

Sa nasabing panahon, isasara sa general vehicular traffic ang bahagi ng Vicente Sotto Street mula Roxas Boulevard hanggang Atang Dela Rama Street.

Tanging authorized vehicles at personnel din ang papayagang pumasok sa mga itinalagang bahagi ng Atang Dela Rama Street at Magdalena Jalandoni Street.

Magpapatupad din ang MMDA ng rerouting scheme sa Diokno Boulevard, Macapagal Boulevard at Roxas Boulevard upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Para sa mga northbound vehicles, maaaring dumaan sa Diokno Boulevard patungong Seaside Boulevard, kumanan sa Macapagal Boulevard, kumaliwa sa EDSA at muling kumaliwa sa Roxas Boulevard.

Samantala, ang mga southbound vehicles na bumibiyahe sa Roxas Boulevard patungong Diokno Boulevard at Macapagal Boulevard ay pinapayuhang kumanan sa EDSA.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista at commuters na planuhin nang maaga ang biyahe, umiwas sa restricted areas, gumamit ng mga itinakdang alternative routes at maglaan ng dagdag na travel time.

Inaasahang dadalo sa tatlong araw na summit ang mga lider at delegasyon mula sa ASEAN member states at dialogue partners kaya posibleng magkaroon din ng convoy-related traffic adjustments.

Patuloy ang koordinasyon ng ASEAN-NOC, MMDA, Philippine National Police at mga concerned local government units para sa seguridad at maayos na daloy ng trapiko habang ginaganap ang summit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here