Home NATIONWIDE Alamin: #WalangPasok sa ilang lugar sa Nob. 23

Alamin: #WalangPasok sa ilang lugar sa Nob. 23

1
0

MANILA, Philippines – Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar, habang lilipat naman sa online learning ang ilang paaralan sa Lunes, Nobyembre 23, dahil sa matinding init, patuloy na pag-ulan at inaasahang transport strike.

Sa lalawigan ng Sultan Kudarat, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan dahil sa inaasahang mataas na heat index.

Kasama sa suspensyon ang mga pagsusulit sa paaralan, physical education classes at outdoor activities. Maaari namang magpatupad ng online o modular learning ang mga paaralan.

Inaasahang magbabalik ang face-to-face classes sa Martes, Nobyembre 24, maliban kung may bagong abiso ang pamahalaang panlalawigan.

Sa Peñablanca, Cagayan, suspendido rin ang klase mula kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga ilog.

Samantala, magpapatupad ng online synchronous classes ang University of the East (UE) sa Manila at Caloocan campuses.

Hindi sakop ng pagbabago ang College of Dentistry, College of Law at ilang klase sa College of Fine Arts, Architecture and Design na magpapatuloy sa face-to-face setup.

Magiging online din ang klase sa lahat ng antas sa APEC Schools at National Teachers College.

Sa De La Salle Araneta University, lilipat sa online learning ang Integrated School, ngunit magpapatuloy ang nakatakdang face-to-face classes ng Grade 12 para sa General Chemistry 2 Laboratory at INIM.

Kasabay ito ng inanunsyong dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela sa Nobyembre 23 at 24.

Pinapayuhan ang mga mag-aaral at magulang na subaybayan ang opisyal na anunsyo ng kanilang paaralan at lokal na pamahalaan para sa anumang karagdagang pagbabago sa klase. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here