Muling makatitikim ng aksyon ang Alas Pilipinas Men bilang paghahanda sa sa 2025 FIVB Men’s World Championship sa Setyembre.
Nakatakdang lumaban ang mga Pinoy sa unang leg ng 2025 Southeast Asian (SEA) Men’s V.League na iho-host ng Cando City, Ilocos Sur mula Hulyo 9 hanggang 13.
Sasagupain ng Pilipinas, na dating nakakuha ng dalawang tansong medalya noong 2024 edition, ang powerhouse na Thailand, Indonesia, Vietnam, at bagong-promote na Cambodia, na nanguna sa 2024 SEA V. League Challenge laban sa Malaysia, Singapore, at Laos.
Ang SEA V. League ay darating ilang araw lamang matapos ang kampanya ng Alas sa AVC Nations Cup, kung saan nagtapos sila ng pang-sampu matapos talunin ang New Zealand.
Ang SEA V. League champion ay tatanggap ng $13,000 (humigit-kumulang P743,000) at ang runner-up na $12,000 (P686,000) habang ang bronze medalist ay kikita ng $11,000.