Home SPORTS Alas Pilipinas Girls swak sa 2026 U17 World Championship

Alas Pilipinas Girls swak sa 2026 U17 World Championship

331
0

PASOK na ang Alas Pilipinas Girls sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship matapos makuha ang ikalimang puwesto sa 2025 AVC Asian Women’s U16 Championship sa Thailand.

Tinalo ng koponan ang host country, 25-23, 25-20, 19-25, 25-22, upang makuha ang huling tiket para sa prestihiyosong torneo sa Santiago, Chile.

Pinangunahan ng 14-anyos na si Xyz Rayco ng Saint Michael College of Caraga ang koponan sa pamamagitan ng 30 puntos mula sa 25 attacks, apat na blocks at isang ace.

Ayon kay Rayco, malaking inspirasyon sa kanya ang makamit ang ganitong tagumpay sa murang edad.

Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa mga kuwalipikadong Asian teams ang Korea, Chinese Taipei, Japan, at reigning world champion China.

Ipinahayag ni head coach Edwin Leyva na labis siyang proud sa kanyang koponan. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here