Home SPORTS Rain or Shine, Guaio  nababagahal kay Slaughter

Rain or Shine, Guaio  nababagahal kay Slaughter

310
0

NALUGMOK ang magandang simula ng Rain or Shine Elasto Painters sa PBA Season 50 matapos maitala ang season-ending injury ni rookie big man Keith Datu dahil sa patellar tendon tear.

Sa pagkawala ng 6-foot-7 na sentro, bumagsak ang kumpiyansa ng koponan at tuluyang nagbigay-daan sa kanilang 105-91 pagkatalo laban sa NLEX Road Warriors sa Ynares Center, Antipolo.

Si Datu, na isa sa mga pangunahing dahilan ng 5-1 simula ng Elasto Painters, ay naging mahalagang bahagi ng opensa at depensa ng koponan, lalo na sa kanyang 20 puntos at walong rebound kontra Blackwater sa ikalawang laro ng season.

Dahil sa pangyayari, biglang lumubha ang injury crisis ng ROS kung saan unang nawala sina Caelan Tiongson, Stanley Pringle, at Luis Villegas.

Upang mapunan ang pagkawala ni Datu, pinag-iisipan ngayon ni Coach Yeng Guiao ang pag-angat kay Christian Manaytay, ang 10th overall pick sa nakaraang rookie draft.

Bukod kay Manaytay, tinitingnan din ni Guiao ang posibilidad na kunin sina Mike Miranda at Justin Chua, na kapwa kanyang nakasama noon sa NLEX, parehong nasa Unrestricted Free Agent with Rights to Salary (UFAWR2S) list, at maaaring maging opsyon para palakasin ang depensa ng ROS.

Samantala, nilinaw ni Guiao na hindi pa nila tinitingnan ang posibilidad ng pagkuha kay Greg Slaughter. Ayon sa kanya, hindi umano ito akma sa fast-paced system ng Rain or Shine.GP/JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here