LEGAZPI CITY, Albay- Ipinag-utos ng isang korte sa Metro Manila na arestuhin si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo para sa two counts ng murder hinggil sa umano’y pagpatay kina dating Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe at security escort Police Master Sgt. Orlando Diaz noong 2018.
Ipinalabas ni Acting Presiding Judge Acerey Pacheco ng National Capital Region-Regional Trial Court Branch 3 ang warrant of arrest para kay Baldo.
Walang inirekomendang piyansa para sa local chief executive.
Pinaslang sina Batocabe at Diaz sa gift-giving activity sa Barangay Burgos.
Sinabi ni Police Regional Office-5 Director Police Brig. Gen. Andre P. Dizon na natanggap na nila ang warrant.
Subalit, hindi naisilbi ng mga pulis ang dokumento dahil wala si Baldo sa kanyang tahanan sa Barangay Tagas in Daraga.
Ani Dizon, tanging mga kasamahan ni Baldo ang nadatnan sa bahay.
Nadakip si Baldo sa illegal possession of firearms and explosives noong 2019 subalit pinakawalan matapos makapagpiyansa.
Noong 2022, tumakbong alkalde si Baldo at natalo si dating Mayor Victor Perete.
Pinayuhan ni Dizon ang alkalde na sumuko at depensahan ang sarili sa korte.
Hindi pa naglalabas ng pahayag ang kampo ni Baldo hinggil dito. RNT/SA