Home METRO Chinese na nasita sa pag-ihi sa pampublikong lugar tiklo sa drug paraphernalia

Chinese na nasita sa pag-ihi sa pampublikong lugar tiklo sa drug paraphernalia

MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang Chinese national na nadakip sa pag-ihi sa pampublikong lugar ng mga miyembro ng Pasay City Police MOA Substation sa possession of drug paraphernalia nitong Biyernes.

Kinilala ng Southern Police District (SPD) ang suspek na si “Huang,” 33. Naaresto siya bandang alas-12:30 ng madaling araw sa CBP Compound, Coral Way, Pasay City.

Sinabi ng mga pulis na nagsasawa sila ng routine anti-criminality patrol nang mamataan ang suspek na umiihi sa pampublikong lugar na paglabag sa City Ordinance no. 1572.

Nang makitang palapit na sa kanya ang mga awtoridad,  tinangkang tumakas ni Huang.

Sa pagsasagawa ng procedural body search, natagpuan ng mga pulis ang ilang drug paraphernalia mula kay Huang kabilang ang maliit na plastic bag, improvised glass pipe, at isang plastic bottle.

Kasalukuyang nakaditene ang suspek sa police custodial facility matapos maaresto at kinasuhan na ng paglabag sa Pasay City Ordinance No. 1572 (Urinating in Public Place), Article 151 ng Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at Section 12, Article II ng Republic Act 9165 (Possession of Drug Paraphernalia). RNT/SA