BANGKOK- Hinalughog ng rescuers ang isang kagubatan sa Thailand nitong Biyernes matapos mawala ang siyam na indibidwal nang bumagsak ang isang turboprop plane sa southeast ng Bangkok, bagama’t inaasahan ng mga awtoridad na walang nakaligtas.
Bumulusok ang aircraft sa kagubatan ng Chachoengsao province nitong Huwebes at pinaniniwalaang nasawi lahat ng sakay, base sa Thai officials.
Patungo ang siyam na indibidwal– kabilang ang dalawang piloto at pitong pasahero– mula sa Suvarnabhumi airport ng Bangkok patungo sa Trat province, isang lugar sa Gulf of Thailand na kilala sa mga beach nito, nang bumagsak ang sasakyang panghimpapawid.
“It happened at around 3:10 pm (0810 GMT). We are trying to find those missing, but we believe that they are all dead,” pahayag ni Chachoengsao governor Chonlatee Yangtrong nitong Huwebes.
Batay sa local media, kabilang sa mga pasahero ang apat na Thais at limang Chinese kabilang ang dalawang bata na edad 12 at 13.
Mahigit 300 military personnel at volunteers ang idineploy sa paghahanap, at naglunsad na ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente.
Natagpuan nila ang ilang parte ng katawan, maging mga piraso ng aircraft, subalit naaantala ang operasyon sa malakas na pag-ulan.
“We are not planning to stop until we find them, although there are some waterlogged areas,” ani Chonlatee. RNT/SA