Home ENTERTAINMENT Albie, lumipad sa US, sinilip ang anak sa afam!

Albie, lumipad sa US, sinilip ang anak sa afam!

Manila, Philippines – License to break an exclusive story.

Ito ang wari’y ipinagkaloob ni Albie Casiño kay Ogie Diaz para ibalita na lumipad ang 31 anyos na aktor patungong Amerika para makita ang kanyang sanggol na lalaki.

Humanap daw muna ng tamang tiyempo si Albie who had to wait hanggang matapos gawin ang online series na Can’t Buy Me Love.

Idinaan muna ni Ogie sa blind item ang aktor who left for the US to finally meet his baby boy.

Foreigner man ang ina ng bata ay may hawig daw ito kay Albie na excited makita ang anak.

Noong una’y naghuhulaan pa ang mga kasamang hosts ni Ogie as to which actor sires a baby boy.

Nagkataon din kasing nasa Amerika sina direk Rowell Santiago at Jake Ejercito.

Naroon ang dalawa para i-fulfill ang nasa bucket list nila na puntahan ang Yosemite National Park na nasa Sierra Nevada Mountains.

Bale sa side ni Albie ay unang apo ang baby boy na anak niya.

‘Yun din ang unang apo sa tuhod.

Ayon kay Ogie, binigyan siya ng basbas ni Albie na ibalita ang pagkakaroon niya ng anak basta’t nakaalis na siya patungong US.

Sey pa ni Ogie, the actor who turned 31 last May 14 couldn’t wait to see and hug his son.

Wala namang binanggit sa tsika ni Ogie kung kasama ba ni Albie ang kanyang anak pag-uwi sa Pilipinas. Ronnie Carrasco IIi