Home ENTERTAINMENT Catriona, dedma sa bday ni Sam?

Catriona, dedma sa bday ni Sam?

Manila, Philippines – Is there any telling sa ‘di pagbati man lang ni Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ng maligayang kaarawan sa nobyong si Sam Milby kamakailan?

Sam turned 40 recently.

Nakapagtatakang Catriona just let his birthday slip away nang wala man lang simpleng pagbati o paramdam sa social media.

Ang tanong tuloy ng mga netizens: nakalimutan nga lang ba ni Cat, o sadyang kinalimutan.

There’s a lot of difference between the two conjugated words.

Okey lang daw sana kung nakalimutan lang, at least, hindi intentional.

But still, kahit gaano pa ka-busy ang iyong kasintahan, he or she would find time to at least drop a simple birthday greeting.

Or baka naman hindi sa social media idinaan ni Cat ang kanyang sweet birthday message for Sam kundi personal niya itong binati.

A check with her Instsgram Stories reveals na nasa Vivera Azure in Anilao, Batangas si Cat for a commitment.

Granting, pero ayaw maniwala ang mga netizens na dala ng kabisihan kung kaya’t Cat forgot to greet Sam on his birthday.

Hence, nagsasalimbayan ang tanong ng mga netizens kung sila pa ba.

Or have Cat and Sam decided to remain friends instead?

May kabuntot na tanong ito: tuloy pa ba ang kanilang pagpapakasal as planned?

Matatandaang inamin ng couple recently that they were in the process of fixing things.

Next thing was, okey na sila.

‘Yun nga lang, tila nagiging pattern na ang pagiging off and on nila.

Maayos sila now, but the scenario changes next.

So, ano talaga ang tunay na score between them? Ronnie Carrasco III