Home HOME BANNER STORY Aghon lumakas pa; Quezon province tatawirin ngayong umaga

Aghon lumakas pa; Quezon province tatawirin ngayong umaga

MANILA, Philippines – Lumakas pa at naging isa nang tropical storm ang tropical depression Aghon.

Sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng Tropical Storm Aghon sa coastal waters ng Lucena City, Quezon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Dahil dito, nakataas ang tropical cyclone wind signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Northern at central portions ng Quezon (Alabat, Perez, Quezon, Gumaca, Lopez, Macalelon, General Luna, Unisan, Pitogo, Plaridel, Agdangan, Padre Burgos, Atimonan, Mauban, Real, General Nakar, Infanta, Sampaloc, Pagbilao, Calauag, Lucban, City of Tayabas, Lucena City) kabilang ang Polillo Islands

Tropical cyclone wind signal number 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod na lugar:

Southeastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue), Southern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan), Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), Eastern at southern portions ng Nueva Ecija (General Tinio, Gabaldon, Bongabon, Pantabangan, Rizal, General Mamerto Natividad, Laur, Palayan City, PeƱaranda, San Leonardo, City of Gapan, Cabanatuan City, Santa Rosa, San Isidro, Cabiao, San Antonio, Jaen),
Aurora,
Eastern portion ng Pampanga (Candaba, San Luis, San Simon, Apalit, Santa Ana, Arayat),
Bulacan,
Metro Manila,
nalalabing bahagi ng Quezon,
Rizal,
Laguna,
Cavite,
Batangas,
northern portion ng Oriental Mindoro (Pinamalayan, Pola, Naujan, Victoria, Socorro, City of Calapan, Bansud, Gloria, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Bongabong, Roxas),
Marinduque,
Romblon,
Camarines Norte,
Camarines Sur,
northern portion ng Albay (Tiwi, Polangui, Malinao, Libon, Oas, City of Ligao), at Burias Island

Inaasahan ang mahigit sa 200mm ng ulan sa Quezon ngayong araw, 100 hanggang 200mm ng ulan naman sa Aurora, eastern portion ng Bulacan, Rizal, Laguna, Metro Manila at Camarines Norte, habang 50-100mm ng ulan sa Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Bulacan, eastern portion ng Pampanga, nalalabing bahagi ng CALABARZON, Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Burias Island at western portion ng Camarines Sur.

Samantala, nasa 50-100mm ang forecast accumulated rainfall bukas, Mayo 27 sa silangang bahagi ng Isabela, northern portion ng Aurora at Polillo Islands.

Sa kasalukuyan ay tinatawid na ng Tropical Storm Aghon ang Quezon province at tatawid sa mainland CALABARZON at Polillo Islands.

Posibleng lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules. RNT/JGC