Home HOME BANNER STORY Ilang lugar sa Eastern Visayas, binaha sa Tropical Depression Aghon

Ilang lugar sa Eastern Visayas, binaha sa Tropical Depression Aghon

MANILA, Philippines – Binaha ang ilang lugar sa Eastern Visayas dahil sa Tropical Depression Aghon.

Ayon sa ulat, umabot sa hanggang bewang na baha ang tubig sa ilang lugar sa Eastern Visayas habang nagtumbahan naman ang ilang puno sa Bicol Region.

Naglandfall ang Tropical Depression Aghon sa Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar bago muling tumama sa Giporlos.

Sunod naman na dinaanan ng bagyo ang Basiao Island sa Catbalogan City, Samar bago dumaan sa Cagduyong Island.

Nagsimulang maitala ang mga pagbaha alas-3 ng madaling araw ng Sabado, Mayo 25 at agad din namang humupa alas-7 ng umaga. RNT/JGC