Home ENTERTAINMENT Albie, may reaksyon sa Andi-Philmar isyu!

Albie, may reaksyon sa Andi-Philmar isyu!

Manila, Philippines – Inabswelto ni Andi Eigenmann sa cheating allegations ang partner na si Philmar Alipayo.

Ito ay pagkatapos magkaroon ng

espekulasyong hiwalay na ang dalawa at umano’y in-unfollow nila ang isa’t-isa sa kanilang respective Instagram accounts.

Pinag-uusapan din ang naging cryptic posts nila na may kinalaman sa kanilang relasyon bago ang kanyang naging statement.

Hindi rin nasawata ang pagkalat ng tsikang isang foreigner na babae raw ang third party sa kanilang hiwalayan blues.

Sa lahat naman ng kontrobersyang ito, may mga nagtataas ng kulay at tila duda na tapos na ang sigalot sa mag-partner.

Sa joint IG post naman ni Albie Casino at ng dyowa nito, hindi napigilang urutin siya ng isang netizen na may handle na @cringeyasspeople hinggil sa nangyayari kay Andi.

Komento niya:”dodged a bullet with andi that’s for sure.”

May tatlong smiley na reaction si Albie.

Kung matatandaan, si Albie noon ang tinuturong ama ng anak ni Andi na later on ay nakumpirmang si Jake Ejercito pala.

Umani naman ng samu’t-saring komento ang kanyang naging reaksyon.

Hirit ng iba, vindicated daw ang aktor.

May mga hindi rin masisi si Albie sa kanyang naging reaksyon pagkatapos nang pinagdaanan nito noon.

Ito ang ilan sa komento ng netizens.

“Karma has its own way hahaha salute to you albie.”

“What goes around comes around. The universe finds a way.”

“Di lang bullet, missle pa.”

“He has every right to comment hahaha sinira ba naman buong career nya eh.”

“Albie has the last laugh.”

“He did nothing wrong. He was minding his own business. May nagcomment sa post niya. Natawa lang siya, which is normal reaction lang naman. Anong sawsaw ba pinagsasabi mo?!”

“Binugbog po siya.”

“Tama naman na albie dodged a bullet. buti at di si Andi nakatuluyan nya ..”

“Wrong naman si commenter. Albie didnt dodged a bullet dahil talagang nasira ang pagkatao nya and nawalan ng pangkabuhayan. Tbh, nuclear level n ang naexperience ni Albie noon.”

“The bullets were fully lodged and left a big scars.”

“Buti nga emoji lang reaction ni Albie.”

“Bagsak na yung tao, tatadyakan niya pa?

Be the bigger guy and take the high road

Sometimes there is dignity in silence.” Archie Liao