MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang upward trend sa mga kaso ng dengue sa mahigit 28,000 kaso na naitala hanggang noong Pebrero 1, 2025.
Ayon sa DOH, ang 28,234 kaso ay 40% na pagtaas mula sa mga naitalang kaso noong nakaraang taon.
“This mirrors the 8% increase from January 5 to 18, with 15,088 cases, compared to the 13,980 cases reported in the previous period of December 22, 2024 to January 4, 2025,” pahayag ng DOH.
Sa kabila nito, nakapagtala ang ahensya ng pagbaba sa Case Fatality Rate (CFR) sa 0.35 percent hanggang noong Pebrero 1, kumpara sa 0.42 percent CPR sa kaparehong panahon noong 2024.
Nagpaalala naman ang DOH sa publiko “to seek early consultation, search and destroy mosquito breeding sites, use self-protection by applying anti-repellent lotions and wearing long sleeves and pants when possible, and support fogging in hotspot areas.”
Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng kabuuang 9,995 kaso ng influenza-like illnesses (ILI) mula Enero 1 hanggang Pebrero 1, o 53 percent na pagbaba sa 21,340 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.
“However, cases rose to 5,150 from January 5-18, doubling the 2,388 cases from December 22-January 4.” RNT/JGC