Home NATIONWIDE PBBM sa mga Pinoy: Gov’t job fairs samantalahin

PBBM sa mga Pinoy: Gov’t job fairs samantalahin

MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Filipino na samantalahin ang government-initiated job fais sa ilalim ng “Trabaho sa Bagong Pilipinas” initiative ng pamahalaan.

“Hangad ko po ang inyong tagumpay. Kakambal nito ay ang aking panawagan na sana po ay mapalawig pa ninyo ang mga pagkakataon at oportunidad na nasa inyong harapan,” ani Marcos, kasabay ng
“Trabaho sa Bagong Pilipinas” job fair sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Tagum City, Davao del Norte.

”Naniniwala ako na ang bawat isa sa inyo ay may kakayahan at determinasyon upang gawing produktibo ang inyong pamumuhay,” pagpapatuloy ni Marcos.

Ayon sa Pangulo, mahigit 9,068 indibidwal ang nag-apply sa mga job offerings sa paglulunsad ng job fair noong Enero, at mahigit 1,028 ang na-hire on the spot.

Mayroong 95 4Ps beneficiaries ang nakakuha ng mga trabaho.

Ipinagmalaki rin ni Marcos ang tagumpay ng 1,908 job fairs noong nakaraang taon, kung saan 66,667 indibidwal ang na-hire on the spot.

“Gagawin ko po lahat para itong programa na ito ay magkalat sa buong bansa.”

Bukod sa paglikha ng trabaho, tutulong din ang pamahalaan sa mga job seeker sa pamamagitan ng job matching para ikonekta ang mga ito sa mga posisyon na angkop sa kanilang talento at skill sets. RNT/JGC